35 At siya ay nagdalang-tao nang minsan pa at nanganak ng isang lalaki at pagkatapos ay nagsabi: “Sa pagkakataong ito ay pupurihin ko si Jehova.” Sa gayon ay tinawag niyang Juda+ ang pangalan nito. Pagkatapos ay huminto na siya sa panganganak.
10 Ang setro ay hindi lilihis mula kay Juda,+ ni ang baston ng kumandante mula sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa dumating ang Shilo;+ at sa kaniya mauukol ang pagkamasunurin ng mga bayan.+
2 Sapagkat si Juda+ ay nakahihigit sa kaniyang mga kapatid, at ang magiging lider ay nagmula sa kaniya;+ ngunit ang karapatan sa pagkapanganay ay kay Jose+—
14 Sapagkat talagang malinaw na ang ating Panginoon ay lumitaw mula sa Juda,+ isang tribo na tungkol dito ay walang anumang sinalita si Moises may kinalaman sa mga saserdote.