24 “Si Aaron ay mapipisan sa kaniyang bayan,+ sapagkat hindi siya papasok sa lupain na tiyak na ibibigay ko sa mga anak ni Israel, sa dahilang naghimagsik kayo laban sa aking utos may kinalaman sa tubig ng Meriba.+
28 At hinubaran ni Moises si Aaron ng kaniyang mga kasuutan at isinuot ang mga iyon kay Eleazar na kaniyang anak, pagkatapos ay namatay si Aaron doon sa taluktok ng bundok.+ At bumaba si Moises at si Eleazar mula sa bundok.
38 At si Aaron na saserdote ay umahon sa Bundok Hor sa utos ni Jehova at namatay roon nang ikaapatnapung taon ng paglabas ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Ehipto, nang ikalimang buwan, noong ikaisa ng buwan.+
6 “At ang mga anak ni Israel ay lumisan mula sa Beerot Bene-jaakan+ patungong Mosera. Doon namatay si Aaron, at inilibing siya roon;+ at si Eleazar na kaniyang anak ay nagsimulang maglingkod bilang saserdote na kahalili niya.+
50 Pagkatapos ay mamatay ka roon sa bundok na aahunin mo, at mapisan ka sa iyong bayan,+ gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa Bundok Hor+ at napisan sa kaniyang bayan;