20 hanggang sa bigyan ni Jehova ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at magawa na rin nilang ariin ang lupain na ibinibigay sa kanila ni Jehova na inyong Diyos sa kabila ng Jordan; pagkatapos ay bumalik kayo, bawat isa sa kaniyang ari-arian na ibinigay ko sa inyo.’+
23 Kinuha nga ni Josue ang buong lupain, ayon sa lahat ng ipinangako ni Jehova kay Moises,+ at pagkatapos ay ibinigay iyon ni Josue sa Israel bilang mana ayon sa kani-kanilang bahagi, ayon sa kani-kanilang tribo.+ At ang lupain ay hindi na niligalig ng digmaan.+
18At ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel ay nagkatipon sa Shilo,+ at inilagay nila roon ang tolda ng kapisanan,+ yamang ang lupain ay nasupil na ngayon sa harap nila.+