2 “Pabanalin mo sa akin ang lahat ng panganay na lalaki na nagbubukas ng bawat bahay-bata sa gitna ng mga anak ni Israel, sa mga tao at sa mga hayop. Iyon ay akin.”+
12 kung magkagayon ay itatalaga mo kay Jehova ang lahat ng nagbubukas ng bahay-bata,+ at bawat panganay, na batang anak ng hayop,+ na magiging iyo. Ang mga lalaki ay kay Jehova.+
13 Sapagkat ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na saktan ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto+ ay pinabanal ko sa akin ang lahat ng panganay sa Israel mula sa tao hanggang sa hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako ay si Jehova.”