13 At siya ay nagsimulang magsabi kay Abram: “Tiyak na malalaman mo na ang iyong binhi ay magiging naninirahang dayuhan sa lupain na hindi kanila,+ at paglilingkuran nila ang mga ito, at tiyak na pipighatiin sila ng mga ito sa loob ng apat na raang taon.+
6 Karagdagan pa, dinala nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga pag-aari, na natipon nila sa lupain ng Canaan.+ Nang maglaon ay dumating sila sa Ehipto, si Jacob at ang lahat ng kaniyang supling na kasama niya.
21 “At huwag mong pagmamalupitan ang isang naninirahang dayuhan o sisiilin siya,+ sapagkat kayo ay naging mga naninirahang dayuhan sa lupain ng Ehipto.+
34 Ang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan na kasama ninyo ay dapat na maging katulad ng katutubo ninyo; at iibigin mo siya na gaya ng iyong sarili,+ sapagkat kayo ay naging mga naninirahang dayuhan sa lupain ng Ehipto.+ Ako ay si Jehova na inyong Diyos.