-
1 Samuel 21:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Sa gayon ay sumagot si David sa saserdote at sinabi niya rito: “Ngunit ang kababaihan ay nalayo sa amin na gaya noong una nang lumabas ako,+ at ang mga katawan ng mga kabataang lalaki ay nananatiling banal, bagaman ang atas mismo ay pangkaraniwan. At gaano pa kaya ngayon, kung maging banal ang katawan ng isa?”
-
-
2 Samuel 11:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sinabi naman ni Uria kay David: “Ang Kaban+ at ang Israel at ang Juda ay nananahanan sa mga kubol, at ang panginoon kong si Joab at ang mga lingkod ng aking panginoon+ ay nagkakampo sa hantad na parang, at ako—papasok ba ako sa aking sariling bahay upang kumain at uminom at sumiping sa aking asawa?+ Buháy ka at buháy ang iyong kaluluwa,+ hindi ko gagawin ang bagay na ito!”
-