5 At ngayon kung mahigpit ninyong susundin+ ang aking tinig at iingatan nga ang aking tipan,+ kayo ay tiyak na magiging aking pantanging pag-aari mula sa lahat ng iba pang bayan,+ sapagkat ang buong lupa ay akin.+
6 Sapagkat ikaw ay isang banal na bayan kay Jehova na iyong Diyos.+ Ikaw ang pinili ni Jehova na iyong Diyos upang maging kaniyang bayan, isang pantanging pag-aari, mula sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng lupa.+
9 At si Moises at ang mga saserdote, na mga Levita, ay nagsalita sa buong Israel, na sinasabi: “Tumahimik ka at makinig, O Israel. Sa araw na ito ay naging bayan ka ni Jehova na iyong Diyos.+
9 Itatatag ka ni Jehova bilang isang banal na bayan sa kaniya,+ gaya ng isinumpa niya sa iyo,+ sapagkat patuloy mong tinutupad ang mga utos+ ni Jehova na iyong Diyos, at lumalakad ka sa kaniyang mga daan.