9 Huwag lamang kayong maghimagsik laban kay Jehova;+ at kayo, huwag kayong matakot sa bayan ng lupaing iyon,+ sapagkat sila ay tinapay sa atin. Ang kanilang silungan ay lumayo na sa kanila,+ at si Jehova ay sumasaatin.+ Huwag ninyo silang katakutan.”+
34 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Huwag kang matakot sa kaniya,+ sapagkat sa iyong kamay ay tiyak na ibibigay ko siya at ang kaniyang buong bayan at ang kaniyang lupain;+ at gagawin mo sa kaniya ang gaya ng ginawa mo kay Sihon, na hari ng mga Amorita, na tumatahan noon sa Hesbon.”+
3 At sasabihin niya sa kanila, ‘Dinggin mo, O Israel, kayo ay malapit na ngayong makipagbaka laban sa inyong mga kaaway. Huwag manlupaypay ang inyong mga puso.+ Huwag kayong matakot at tumakbo sa takot o mangatog dahil sa kanila,+