12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Umahon ka sa akin sa bundok at manatili ka roon, sapagkat nais kong ibigay sa iyo ang mga tapyas na bato at ang kautusan at ang utos na aking isusulat upang maituro sa kanila.”+
18 At pagkatapos niyang magsalita sa kaniya sa Bundok Sinai ay ibinigay niya kay Moises ang dalawang tapyas ng Patotoo,+ mga tapyas ng bato na sinulatan ng daliri ng Diyos.+
19 At nangyari nga nang makalapit na siya sa kampo at makita ang guya+ at ang sayawan, ang galit ni Moises ay nagsimulang lumagablab, at kaagad niyang inihagis ang mga tapyas mula sa kaniyang mga kamay at binasag ang mga iyon sa paanan ng bundok.+
34Pagkatapos ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Umukit ka para sa iyo ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna,+ at isusulat ko sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas,+ na iyong binasag.+