12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Umahon ka sa akin sa bundok at manatili ka roon, sapagkat nais kong ibigay sa iyo ang mga tapyas na bato at ang kautusan at ang utos na aking isusulat upang maituro sa kanila.”+
15 Pagkatapos nito ay tumalikod si Moises at bumaba mula sa bundok+ taglay ang dalawang tapyas ng Patotoo+ sa kaniyang kamay, mga tapyas na may sulat sa magkabilang panig ng mga ito. Sa panig na ito at sa kabila ay may sulat ang mga iyon.
13 At ipinahayag niya sa inyo ang kaniyang tipan,+ na iniutos niyang isagawa ninyo—ang Sampung Salita,+ pagkatapos ay isinulat niya ang mga iyon sa dalawang tapyas ng bato.+
15 “Pagkatapos ay pumihit ako at bumaba mula sa bundok, samantalang ang bundok ay nagniningas sa apoy;+ at ang dalawang tapyas ng tipan ay nasa aking dalawang kamay.+