Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At dumaan si Jehova sa harap ng kaniyang mukha at ipinahayag: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain+ at magandang-loob,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan+ at katotohanan,+

  • Deuteronomio 30:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 ibabalik din naman ni Jehova na iyong Diyos ang iyong mga bihag+ at pagpapakitaan ka ng awa+ at titipunin kang muli mula sa lahat ng mga bayan kung saan pinangalat ka ni Jehova na iyong Diyos.+

  • 2 Cronica 30:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat kapag nanumbalik+ kayo kay Jehova, ang inyong mga kapatid at ang inyong mga anak ay pag-uukulan ng awa+ sa harap niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pahihintulutang bumalik sa lupaing ito;+ sapagkat si Jehova na inyong Diyos ay magandang-loob+ at maawain,+ at hindi niya itatalikod ang mukha mula sa inyo kung manunumbalik kayo sa kaniya.”+

  • Nehemias 9:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At sa iyong saganang awa ay hindi mo isinagawa ang paglipol sa kanila+ o iniwan+ man sila; sapagkat ikaw ay Diyos na magandang-loob+ at maawain.+

  • Awit 86:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+

      Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+

  • Isaias 54:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Sa kaunting sandali ay lubusan kitang pinabayaan,+ ngunit titipunin kita taglay ang malaking kaawaan.+

  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+

  • 2 Corinto 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Pagpalain nawa ang Diyos at Ama+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo, ang Ama ng magiliw na kaawaan+ at ang Diyos ng buong kaaliwan,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share