14 At sinabi ng Diyos kay Moises: “AKO AY MAGIGING GAYON SA ANUMANG AKO AY MAGIGING GAYON.”+ At isinusog niya: “Ito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Isinugo ako sa inyo ni AKO AY MAGIGING GAYON.’”+
7 At talagang kukunin ko kayo para sa akin bilang isang bayan,+ at ako nga ay magiging Diyos sa inyo;+ at tiyak na makikilala ninyo na ako ay si Jehova na inyong Diyos na naglalabas sa inyo mula sa ilalim ng mga pabigat ng Ehipto.+
37 Sagutin mo ako, O Jehova, sagutin mo ako, upang malaman ng bayang ito na ikaw, Jehova,+ ang tunay na Diyos at ikaw ang nagpanumbalik+ ng kanilang puso.”
19 At ngayon, O Jehova na aming Diyos,+ iligtas mo kami,+ pakisuyo, mula sa kaniyang kamay, upang malaman ng lahat ng kaharian sa lupa na ikaw, O Jehova, ang tanging Diyos.”+