18 At ang Bundok Sinai ay umuusok sa buong palibot,+ sa dahilang si Jehova ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy;+ at ang usok niyaon ay pumapailanlang na tulad ng usok ng isang hurnuhan,+ at ang buong bundok ay yumayanig nang malakas.+
12 At si Jehova ay nagsimulang magsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy.+ Ang tinig ng mga salita ang inyong naririnig, ngunit wala kayong nakikitang anyo+—wala kundi isang tinig.+
15 “At ingatan ninyong mabuti ang inyong mga kaluluwa,+ sapagkat wala kayong nakitang anumang anyo+ nang araw na magsalita si Jehova sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy,
33 Narinig na ba ng sinumang tao ang tinig ng Diyos na nagsasalita mula sa gitna ng apoy na gaya ng pagkarinig mo mismo roon, at nanatili pa ring buháy?+
13 At sa ibabaw ng Bundok Sinai ay bumaba+ ka at nakipag-usap sa kanila mula sa langit+ at nagbigay sa kanila ng matuwid na mga hudisyal na pasiya+ at mga kautusan ng katotohanan,+ mabubuting tuntunin+ at mga utos.+
18 Sapagkat hindi ninyo nilapitan yaong maaaring hipuin+ at yaong pinagliyab sa apoy,+ at isang madilim na ulap at makapal na kadiliman at isang unos,+
25 Tiyakin ninyo na huwag kayong tumanggi sa kaniya na nagsasalita.+ Sapagkat kung hindi nakatakas yaong mga tumanggi sa kaniya na nagbigay ng babalang mula sa Diyos sa ibabaw ng lupa,+ lalo nga nating hindi magagawa kung tatalikuran natin siya na nagsasalita mula sa langit.+