-
Deuteronomio 12:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Huwag mong gagawin ang gayon kay Jehova na iyong Diyos,+ sapagkat lahat ng bagay na karima-rimarim kay Jehova na talagang kinapopootan niya ay ginagawa nila sa kanilang mga diyos, sapagkat maging ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay palagian nilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos.+
-
-
2 Hari 17:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 at patuloy nilang itinakwil ang kaniyang mga tuntunin at ang kaniyang tipan+ na ipinakipagtipan niya sa kanilang mga ninuno at ang kaniyang mga paalaala+ na ibinabala niya sa kanila, at sila ay sumunod sa mga walang-kabuluhang idolo+ at naging mga walang kabuluhan+ din, maging sa pagtulad sa mga bansang nasa buong palibot nila, na tungkol sa kanila ay inutusan sila ni Jehova na huwag gumawang tulad ng mga iyon;+
-