-
Levitico 20:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 “Sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Ang sinumang tao sa mga anak ni Israel, at sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa Israel, na magbigay kay Molec+ ng sinuman sa kaniyang supling, ay papatayin nang walang pagsala. Pupukulin siya ng mga bato ng mga tao sa lupain hanggang sa mamatay.
-
-
2 Hari 17:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 at patuloy nilang itinakwil ang kaniyang mga tuntunin at ang kaniyang tipan+ na ipinakipagtipan niya sa kanilang mga ninuno at ang kaniyang mga paalaala+ na ibinabala niya sa kanila, at sila ay sumunod sa mga walang-kabuluhang idolo+ at naging mga walang kabuluhan+ din, maging sa pagtulad sa mga bansang nasa buong palibot nila, na tungkol sa kanila ay inutusan sila ni Jehova na huwag gumawang tulad ng mga iyon;+
-
Jeremias 32:35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na dako ni Baal+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay paraanin sa apoy+ para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ ni pumasok man sa aking puso na gawin ang karima-rimarim na bagay na ito,+ sa layuning pagkasalahin ang Juda.’+
-
-
-