-
Deuteronomio 12:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Huwag mong gagawin ang gayon kay Jehova na iyong Diyos,+ sapagkat lahat ng bagay na karima-rimarim kay Jehova na talagang kinapopootan niya ay ginagawa nila sa kanilang mga diyos, sapagkat maging ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay palagian nilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos.+
-
-
Jeremias 32:35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na dako ni Baal+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay paraanin sa apoy+ para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ ni pumasok man sa aking puso na gawin ang karima-rimarim na bagay na ito,+ sa layuning pagkasalahin ang Juda.’+
-