Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Sapagkat ang ikasampung bahagi ng mga anak ni Israel, na iaabuloy nila kay Jehova bilang isang abuloy, ay ibinibigay ko sa mga Levita bilang mana. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinabi sa kanila, ‘Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magmamay-ari ng isang mana.’”+

  • Deuteronomio 10:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Iyan ang dahilan kung bakit ang Levi ay hindi nagkaroon ng bahagi at mana+ kasama ng kaniyang mga kapatid. Si Jehova ang kaniyang mana, gaya ng sinabi sa kaniya ni Jehova na iyong Diyos.+

  • Deuteronomio 14:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 At ang Levita,+ sapagkat wala siyang bahagi o mana na kasama mo, at ang naninirahang dayuhan+ at ang batang lalaking walang ama at ang babaing balo,+ na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay paroroon, at kakain sila at magpapakabusog; upang pagpalain ka ni Jehova na iyong Diyos+ sa bawat gawa+ ng iyong kamay na gagawin mo.

  • Josue 13:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang tribo lamang ng mga Levita ang hindi niya binigyan ng mana.+ Ang mga handog na pinaraan sa apoy+ para kay Jehova na Diyos ng Israel ang kanilang mana,+ gaya ng ipinangako niya sa kanila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share