21 Iniunat ngayon ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat;+ at pinasimulan ni Jehova na paurungin ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong magdamag at ang lunas ng dagat ay ginawa niyang tuyong lupa,+ at ang tubig ay nahawi.+
11 At ang dagat ay hinati+ mo sa harap nila, kung kaya nakatawid sila sa gitna ng dagat sa tuyong lupa;+ at ang mga tumutugis sa kanila ay inihagis mo sa mga kalaliman+ tulad ng isang bato+ sa malalakas na tubig.+
12 Ang Isa na nag-uunat ng Kaniyang magandang bisig+ sa kanang kamay ni Moises; ang Isa na humahati sa tubig mula sa harap nila+ upang gumawa ng isang pangalang namamalagi nang walang takda para sa kaniyang sarili;+
29 Sa pananampalataya ay tumawid sila sa Dagat na Pula na gaya ng sa tuyong lupa,+ ngunit nang mangahas na lumusong doon, ang mga Ehipsiyo ay nalulon.+