14 “Kapag sa dakong huli ay nakarating ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at nagawa mo nang ariin iyon at nanahanan ka na roon,+ at sinabi mo, ‘Magtatalaga ako ng isang hari sa akin gaya ng lahat ng mga bansa na nasa palibot ko’;+
6 Ngunit ang bagay na iyon ay masama sa paningin ni Samuel yamang sinabi nila: “Bigyan mo kami ng isang hari upang humatol sa amin,” at si Samuel ay nagsimulang manalangin kay Jehova.+
12 Nang makita ninyong dumating laban sa inyo si Nahas+ na hari ng mga anak ni Ammon, patuloy ninyong sinasabi sa akin, ‘Hindi, kundi isang hari ang dapat maghari sa amin!’+ samantalang si Jehova na inyong Diyos ang inyong Hari.+
10 “Nasaan ngayon ang iyong hari, upang mailigtas ka niya sa lahat ng iyong mga lunsod,+ at ang iyong mga hukom, na tungkol sa kanila ay sinabi mo, ‘Bigyan mo ako ng isang hari at ng mga prinsipe’?+