Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sinumang magbububo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay ibububo ang kaniyang sariling dugo,+ sapagkat ayon sa larawan ng Diyos ay ginawa niya ang tao.

  • Bilang 35:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 “‘At kung nasaktan niya ito sa pamamagitan ng isang kasangkapang bakal anupat ito ay namatay, siya ay isang mamamaslang.+ Walang pagsalang papatayin ang mamamaslang.+

  • Hukom 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pagkatapos ay pumaroon siya sa bahay ng kaniyang ama sa Opra+ at pinatay niya ang kaniyang mga kapatid,+ na mga anak ni Jerubaal, pitumpung lalaki, sa ibabaw ng isang bato, ngunit si Jotam na bunsong anak ni Jerubaal ay natira, sapagkat nagtago siya.

  • 1 Hari 2:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At tiyak na ibabalik ni Jehova ang dugo niya sa kaniyang sariling ulo,+ sapagkat dinaluhong niya ang dalawang lalaki na higit na matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya,+ at pinatay niya sila sa pamamagitan ng tabak, nang hindi iyon nalalaman ng aking amang si David,+ samakatuwid ay si Abner+ na anak ni Ner na pinuno ng hukbo ng Israel+ at si Amasa+ na anak ni Jeter na pinuno ng hukbo ng Juda.+

  • Awit 7:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ang kaniyang kabagabagan ay babalik sa kaniyang sariling ulo,+

      At sa tuktok ng kaniyang ulo ay bababa ang kaniyang sariling karahasan.+

  • Mateo 23:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 upang dumating sa inyo ang lahat ng dugong matuwid na ibinubo sa lupa,+ mula sa dugo ng matuwid+ na si Abel+ hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Barakias, na pinaslang ninyo sa pagitan ng santuwaryo at ng altar.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share