-
Ruth 2:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Nang magkagayon ay sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya: “Lubusang iniulat+ sa akin ang lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan pagkamatay ng iyong asawa,+ at kung paanong iniwan mo ang iyong ama at ang iyong ina at ang lupain ng iyong mga kamag-anak at pumaroon sa isang bayan na hindi mo dating kilala.+
-
-
Esther 8:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 At sa lahat ng iba’t ibang nasasakupang distrito at sa lahat ng iba’t ibang lunsod saanman nakaaabot ang salita ng hari at ang kaniyang kautusan ay may kasayahan at pagbubunyi para sa mga Judio, isang pagpipiging+ at isang mabuting araw; at marami mula sa mga bayan+ ng lupain ang nagpapakilalang sila ay mga Judio,+ sapagkat ang panghihilakbot+ sa mga Judio ay sumapit sa kanila.
-