Ruth
2 At si Noemi ay may isang kamag-anak+ ng kaniyang asawa, isang lalaking makapangyarihan sa yaman,+ mula sa pamilya ni Elimelec, at ang kaniyang pangalan ay Boaz.+
2 Nang maglaon ay sinabi ni Ruth na babaing Moabita kay Noemi: “Pakisuyo, pahintulutan mo akong pumaroon sa bukid at maghimalay+ ng mga uhay ng butil kasunod ng sinuman na sa kaniyang paningin ay makasumpong ako ng lingap.” Kaya sinabi nito sa kaniya: “Yumaon ka, anak ko.” 3 Dahil dito ay yumaon siya at pumasok at nagsimulang maghimalay sa bukid sa likuran ng mga mang-aani.+ At sa di-sinasadya ay napadako siya sa bahagi ng bukid na pag-aari ni Boaz,+ na mula sa pamilya ni Elimelec.+ 4 At, narito! si Boaz ay dumating mula sa Betlehem at nagsabi sa mga mang-aani: “Sumainyo nawa si Jehova.”+ Sila naman ay nagsasabi sa kaniya: “Pagpalain ka nawa ni Jehova.”+
5 At sinabi ni Boaz+ sa kabataang lalaki na inatasang mamahala sa mga mang-aani: “Kanino ang kabataang babaing ito?” 6 Sa gayon ay sumagot ang kabataang lalaki na inatasang mamahala sa mga mang-aani at nagsabi: “Ang kabataang babae ay isang babaing Moabita,+ na bumalik kasama ni Noemi mula sa lupain ng Moab.+ 7 At sinabi niya, ‘Pakisuyo, pahintulutan mo akong maghimalay+ at magtitipon nga ako ng pinutol na mga uhay ng butil sa likuran ng mga mang-aani.’ Kaya pumasok siya at nanatili siyang nakatindig mula nang sandaling iyon noong umaga hanggang sa pag-upo niya ngayon sa bahay nang kaunting panahon.”+
8 Nang maglaon ay sinabi ni Boaz kay Ruth: “Narinig mo, hindi ba, anak ko? Huwag kang umalis upang maghimalay sa ibang bukid,+ at huwag ka ring tatawid mula sa dakong ito, at sa gayon ay manatili kang malapit sa aking mga kabataang babae.+ 9 Itanaw mo ang iyong mga mata sa bukid na kanilang aanihan, at sumama ka sa kanila. Hindi ba ako nag-utos sa mga kabataang lalaki na huwag kang gagalawin?+ Kapag nauuhaw ka, pumaroon ka rin sa mga sisidlan at uminom ka mula sa sasalukin ng mga kabataang lalaki.”+
10 Dahil dito ay isinubsob niya ang kaniyang mukha at yumukod sa lupa+ at sinabi sa kaniya: “Paano ngang nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin anupat binibigyang-pansin ako, gayong ako ay isang banyaga?”+ 11 Nang magkagayon ay sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya: “Lubusang iniulat+ sa akin ang lahat ng ginawa mo sa iyong biyenan pagkamatay ng iyong asawa,+ at kung paanong iniwan mo ang iyong ama at ang iyong ina at ang lupain ng iyong mga kamag-anak at pumaroon sa isang bayan na hindi mo dating kilala.+ 12 Gantihan nawa ni Jehova ang iyong paggawi,+ at magkaroon nawa ng sakdal na kabayaran+ para sa iyo mula kay Jehova na Diyos ng Israel, na sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay pumaroon ka upang manganlong.”+ 13 Dito ay sinabi niya: “Makasumpong nawa ako ng lingap sa iyong paningin, panginoon ko, sapagkat inaliw mo ako at sapagkat nagsalita ka nang nakapagpapatibay-loob sa iyong alilang babae,+ bagaman hindi naman ako gaya ng isa sa iyong mga alilang babae.”+
14 At sinabi ni Boaz sa kaniya nang oras ng kainan: “Lumapit ka rito, at kumain ka ng tinapay+ at isawsaw mo sa sukà ang iyong piraso ng tinapay.” Kaya umupo siya sa tabi ng mga mang-aani, at inaabutan niya siya ng binusang butil+ at kinakain naman niya, anupat nabusog siya at may natira pa. 15 Pagkatapos ay tumindig siya upang maghimalay.+ At nag-utos si Boaz sa kaniyang mga kabataang lalaki, na sinasabi: “Hayaan ninyo siyang maghimalay rin ng pinutol na mga uhay ng butil, at huwag ninyo siyang liligaligin.+ 16 At tiyakin din ninyong bumunot ng ilan mula sa mga bungkos ng mga butil para sa kaniya, at iwanan ninyo ang mga iyon upang mahimalay niya,+ at huwag ninyo siyang sasawayin.”
17 At nagpatuloy siyang maghimalay sa bukid hanggang sa kinagabihan,+ pagkatapos ay inihampas+ niya ang kaniyang nahimalay, at umabot iyon sa isang epa+ ng sebada. 18 Sa gayon ay dinala niya iyon at pumasok sa lunsod, at nakita ng kaniyang biyenan ang kaniyang nahimalay. Pagkatapos ay inilabas niya ang pagkaing natira+ niya nang mabusog na siya at ibinigay niya iyon sa kaniya.
19 Sinabi ngayon sa kaniya ng kaniyang biyenan: “Saan ka naghimalay ngayon, at saan ka gumawa? Pagpalain nawa ang isa na nagbigay-pansin sa iyo.”+ Sa gayon ay sinabi niya sa kaniyang biyenan kung kanino siya gumawa; at sinabi pa niya: “Ang pangalan ng lalaki kung kanino ako gumawa ngayon ay Boaz.” 20 Dahil dito ay sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: “Pagpalain siya ni Jehova,+ na hindi nagpabaya ng kaniyang maibiging-kabaitan+ sa buháy at sa patay.”+ At sinabi pa sa kaniya ni Noemi: “Ang lalaking iyon ay kamag-anak natin.+ Siya ay isa sa ating mga manunubos.”+ 21 Nang magkagayon ay sinabi ni Ruth na babaing Moabita: “Sinabi rin niya sa akin, ‘Manatili kang malapit sa aking mga kabataan hanggang sa matapos nila ang aking buong pag-aani.’ ”+ 22 Sa gayon ay sinabi ni Noemi+ kay Ruth na kaniyang manugang:+ “Mas mabuti nga, anak ko, na lumabas kang kasama ng kaniyang mga kabataang babae, upang hindi ka nila bagabagin sa ibang bukid.”+
23 At nanatili siyang malapit sa mga kabataang babae ni Boaz upang maghimalay hanggang sa magwakas ang pag-aani ng sebada+ at ang pag-aani ng trigo. At patuloy siyang nanahanang kasama ng kaniyang biyenan.+