Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 6:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong katakutan,+ at siya ang dapat mong paglingkuran,+ at sa kaniyang pangalan ka dapat manumpa.+

  • Deuteronomio 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong katakutan.+ Siya ang dapat mong paglingkuran,+ at sa kaniya ka dapat mangunyapit,+ at sa kaniyang pangalan ka dapat sumumpa.+

  • Hukom 8:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Dahil dito ay sinabi niya: “Sila ay aking mga kapatid, na mga anak ng aking ina. Buháy si Jehova, kung iningatan ninyo silang buháy ay hindi ko na sana kayo kailangang patayin.”+

  • 1 Samuel 14:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Sapagkat buháy si Jehova, na Manunubos ng Israel, iyon man ay nasa kay Jonatan na aking anak, gayunma’y tiyak na mamamatay siya.”+ Ngunit walang sinuman ang sumagot sa kaniya mula sa buong bayan.

  • 1 Samuel 19:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang magkagayon ay sinunod ni Saul ang tinig ni Jonatan, at si Saul ay sumumpa: “Buháy si Jehova,+ hindi siya papatayin.”

  • 1 Samuel 20:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ngunit bilang karagdagan ay sumumpa+ si David at nagsabi: “Tiyak na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin,+ at sasabihin niya, ‘Huwag itong ipaalam kay Jonatan dahil baka masaktan siya.’ Ngunit, ang totoo, buháy si Jehova+ at buháy ang iyong kaluluwa,+ isang hakbang na lamang ang namamagitan sa akin at sa kamatayan!”+

  • 1 Samuel 25:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At ngayon, panginoon ko, buháy si Jehova+ at buháy ang iyong kaluluwa,+ pinigilan ka ni Jehova+ sa pagpasok sa pagkakasala sa dugo+ at sa paggamit ng iyong sariling kamay para sa iyong kaligtasan.+ At ngayon ay maging gaya nawa ni Nabal ang iyong mga kaaway at yaong mga naghahangad ng ikapipinsala ng aking panginoon.+

  • Mateo 5:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “Muli ay narinig ninyo na sinabi sa mga tao noong sinaunang mga panahon, ‘Huwag kang susumpa+ nang hindi mo gagawin, kundi tuparin mo ang iyong mga panata kay Jehova.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share