Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 3:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At atasan+ mo si Josue at patibayin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya, sapagkat siya ang tatawid+ sa unahan ng bayang ito at siya ang magpapangyaring manahin nila ang lupain na makikita mo.’+

  • Nehemias 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At sinabi ko pa sa kanila ang tungkol sa kamay+ ng aking Diyos, kung gaano ito kabuti sa akin,+ at gayundin ang tungkol sa mga salita+ ng hari na sinabi niya sa akin. Dahil dito ay sinabi nila: “Bumangon tayo, at magtayo tayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabuting gawa.+

  • Job 16:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Palalakasin ko kayo sa pamamagitan ng mga salita ng aking bibig,+

      At ang pang-aaliw ng aking mga labi ay pipigil—.

  • Kawikaan 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon,+ at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.+

  • Kawikaan 27:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Langis at insenso+ ang nagpapasaya sa puso, gayundin ang tamis ng kasamahan ng isa dahil sa payo ng kaluluwa.+

  • Lucas 22:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ngunit nagsumamo+ na ako para sa iyo na ang iyong pananampalataya ay huwag manghina; at ikaw, kapag nakabalik ka na, palakasin+ mo ang iyong mga kapatid.”

  • Gawa 15:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 At sina Hudas at Silas, yamang sila mismo ay mga propeta rin,+ ay nagpatibay-loob sa mga kapatid sa pamamagitan ng maraming diskurso at pinalakas sila.+

  • Hebreo 10:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon,+ gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob+ sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na papalapit na ang araw.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share