Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 28:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 “At kung tungkol sa iyo, ilapit mo sa iyo si Aaron na iyong kapatid at ang kaniyang mga anak na kasama niya mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang siya ay maglingkod bilang saserdote sa akin,+ si Aaron,+ si Nadab at si Abihu,+ si Eleazar at si Itamar,+ na mga anak ni Aaron.

  • Exodo 39:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 At mula sa sinulid na asul at lanang tinina sa mamula-mulang purpura at sinulid na iskarlatang kokus+ ay gumawa sila ng mga kasuutan+ na yari sa gawang hinabi para sa paglilingkod sa dakong banal.+ Sa gayon ay ginawa nila ang mga banal na kasuutan+ para kay Aaron, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.

  • Levitico 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Nang dakong huli ay binuhusan niya ng langis na pamahid ang ulo ni Aaron at pinahiran niya siya upang pabanalin siya.+

  • Bilang 16:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pagkatapos ay nagsalita siya kay Kora at sa kaniyang buong kapulungan, na sinasabi: “Sa kinaumagahan ay ipakikilala ni Jehova kung sino ang sa kaniya+ at kung sino ang banal+ at kung sino ang makalalapit sa kaniya,+ at ang sinumang pipiliin+ niya ay lalapit sa kaniya.

  • Bilang 17:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At mangyayari nga na ang lalaking pipiliin ko,+ ang kaniyang tungkod ay uusbong, at tiyak na pahuhupain ko ang mga bulung-bulungan+ ng mga anak ni Israel laban sa akin, na pinagbubulung-bulungan nila laban sa inyo.”+

  • Bilang 17:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At nangyari nang sumunod na araw nang pumasok si Moises sa tolda ng Patotoo, narito! ang tungkod ni Aaron para sa sambahayan ni Levi ay umusbong, at ito ay nagsibol ng mga usbong at namulaklak at nagbunga ng mga hinog na almendras.

  • Awit 99:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Si Moises at si Aaron ay kabilang sa mga saserdote niya,+

      At si Samuel ay kabilang sa mga tumatawag sa kaniyang pangalan.+

      Tumatawag sila kay Jehova, at siya mismo ay sumasagot sa kanila.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share