-
1 Samuel 16:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sa kalaunan ay sinabi ni Jehova kay Samuel: “Hanggang kailan ka magdadalamhati para kay Saul,+ gayong itinakwil ko siya mula sa pamamahala bilang hari sa Israel?+ Punuin mo ng langis+ ang iyong sungay at yumaon ka. Isusugo kita kay Jesse+ na Betlehemita, sapagkat naglaan ako mula sa kaniyang mga anak ng isang hari para sa akin.”+
-
-
1 Cronica 28:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+
-