-
1 Hari 8:43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
43 makinig ka nawa mula sa langit, sa iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at gawin mo ang ayon sa lahat ng ipinananawagan sa iyo ng banyaga;+ upang makilala ng lahat ng bayan sa lupa ang iyong pangalan+ upang matakot sila sa iyo gaya ng iyong bayang Israel, at upang malaman na ang iyong pangalan mismo ay itinawag sa bahay na ito na aking itinayo.+
-
-
1 Hari 18:36Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 At nangyari, nang oras+ na iniaahon ang handog na mga butil, si Elias na propeta ay nagsimulang lumapit at magsabi: “O Jehova, na Diyos ni Abraham,+ ni Isaac+ at ni Israel,+ ngayon ay ipakilala mo na ikaw ay Diyos sa Israel+ at ako ang iyong lingkod at na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito sa pamamagitan ng iyong salita.+
-
-
Daniel 3:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 At mula sa akin ay inilalabas ang isang utos,+ na ang alinmang bayan, liping pambansa o wika na magsasabi ng anumang masama laban sa Diyos nina Sadrac, Mesac at Abednego ay dapat na pagputul-putulin,+ at ang bahay nito ay dapat na gawing palikurang pambayan;+ yamang walang umiiral na ibang diyos na nakapagliligtas na tulad ng isang ito.”+
-