23 Sapagkat ang aking anghel ay yayaon sa unahan mo at dadalhin ka sa mga Amorita at sa mga Hiteo at sa mga Perizita at sa mga Canaanita, sa mga Hivita at sa mga Jebusita, at tiyak na lilipulin ko sila.+
63 Kung tungkol sa mga Jebusita+ na nananahanan sa Jerusalem,+ hindi sila naitaboy+ ng mga anak ni Juda; at ang mga Jebusita ay patuloy na nananahanang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.
8 Karagdagan pa, ang mga anak ni Juda ay nakipagdigma laban sa Jerusalem+ at nabihag nila iyon, at sinaktan nila iyon sa pamamagitan ng talim ng tabak, at ang lunsod ay sinilaban nila sa apoy.
21 At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebusita na nananahanan sa Jerusalem;+ kundi ang mga Jebusita ay patuloy na tumatahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.+