Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At mangyayari nga na ang sinumang lumabas sa mga pinto ng iyong bahay patungo sa dakong hantad,+ ang kaniyang dugo ay mapapasakaniyang sariling ulo, at magiging malaya kami sa pagkakasala; at lahat ng nananatiling kasama mo sa bahay, ang kaniyang dugo ay mapapasaaming mga ulo kung may kamay na gagalaw sa kaniya.

  • Hukom 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 upang ang karahasang ginawa sa pitumpung anak ni Jerubaal ay dumating+ at upang maipataw niya ang kanilang dugo kay Abimelec na kanilang kapatid sa dahilang pinatay niya sila,+ at sa mga may-ari ng lupain sa Sikem sa dahilang pinalakas nila ang kaniyang mga kamay+ upang patayin ang kaniyang mga kapatid.

  • 2 Samuel 4:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 gaano pa nga kaya kapag pinatay mismo ng mga lalaking balakyot+ ang isang lalaking matuwid sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan? At ngayon ay hindi ko ba sisingilin ang kaniyang dugo mula sa inyong mga kamay,+ at hindi ko ba kayo aalisin sa lupa?”+

  • 1 Hari 2:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 At mangyayari nga na sa araw ng iyong paglabas at kapag tumawid ka sa agusang libis ng Kidron,+ walang pagsalang malalaman mo na ikaw ay tiyak na mamamatay.+ Mapapasaiyong ulo ang pagkakasala sa dugo.”+

  • Ezekiel 18:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nagbigay siya nang may labis na patubo,+ at kumuha siya ng interes,+ at tiyak na hindi siya mananatiling buháy. Ang lahat ng mga karima-rimarim na bagay na ito ay ginawa niya.+ Siya ay tiyak na papatayin. Sasakaniya ang kaniyang sariling dugo.+

  • Gawa 18:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ngunit nang patuloy silang sumasalansang at nagsasalita nang may pang-aabuso,+ ipinagpag niya ang kaniyang mga kasuutan+ at sinabi sa kanila: “Ang inyong dugo+ ay mapasainyong sariling mga ulo. Ako ay malinis.+ Mula ngayon ay paroroon ako sa mga tao ng mga bansa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share