Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 27:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At tatayo siya sa harap ni Eleazar na saserdote, at sasangguni+ siya para sa kaniya ayon sa hatol ng Urim+ sa harap ni Jehova. Sa kaniyang utos ay lalabas sila at sa kaniyang utos ay papasok sila, siya at ang lahat ng mga anak ni Israel na kasama niya at ang buong kapulungan.”

  • 1 Samuel 23:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At sumangguni+ si David kay Jehova, na sinasabi: “Yayaon ba ako, at pababagsakin ko ba ang mga Filisteong ito?” Sinabi naman ni Jehova kay David: “Yumaon ka, at pabagsakin mo ang mga Filisteo at iligtas mo ang Keila.”

  • 2 Samuel 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At nangyari nga na pagkatapos nito ay sumangguni si David kay Jehova,+ na sinasabi: “Aahon ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?” At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Umahon ka.” At sinabi pa ni David: “Saan ako aahon?” At sinabi niya: “Sa Hebron.”+

  • 1 Cronica 14:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At si David ay nagsimulang sumangguni sa Diyos,+ na nagsasabi: “Aahon ba ako laban sa mga Filisteo, at talaga bang ibibigay mo sila sa aking kamay?” Dahil dito ay sinabi ni Jehova sa kaniya: “Umahon ka, at talagang ibibigay ko sila sa iyong kamay.”

  • Kawikaan 3:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya,+ at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share