Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 3:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kaya sinabi ni Samuel sa kaniya ang lahat ng mga salita, at hindi niya inilihim sa kaniya ang anuman. Dahil dito ay sinabi niya: “Si Jehova nga iyon. Gawin niya nawa ang anumang mabuti sa kaniyang paningin.”+

  • 1 Samuel 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa gayon ay sinabi ni Jonatan sa tagapaglingkod, na kaniyang tagapagdala ng baluti: “Halika at tumawid tayo patungo sa himpilan nitong mga lalaking di-tuli.+ Marahil ay kikilos si Jehova para sa atin, sapagkat walang balakid para kay Jehova upang magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.”+

  • 2 Samuel 15:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Ngunit kung ito ang sasabihin niya, ‘Hindi ako nalulugod sa iyo,’ narito ako, gawin niya sa akin kung ano ang mabuti sa kaniyang paningin.”+

  • Awit 37:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad,+

      At manalig ka sa kaniya,+ at siya mismo ang kikilos.+

  • Awit 44:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sa pamamagitan mo ay itutulak namin ang aming mga kalaban;+

      Sa iyong pangalan ay yuyurakan namin yaong mga tumitindig laban sa amin.+

  • Kawikaan 29:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang panginginig sa harap ng mga tao ang siyang nag-uumang ng silo,+ ngunit siyang nagtitiwala kay Jehova ay ipagsasanggalang.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share