Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ruth 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kung saan ka mamamatay ay mamamatay ako,+ at doon ako ililibing. Gayon nawa ang gawin sa akin ni Jehova at dagdagan+ pa iyon kung may anumang bagay maliban sa kamatayan na maghiwalay sa akin at sa iyo.”

  • 1 Samuel 18:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At si Jonatan at si David ay nagtibay ng isang tipan,+ dahil iniibig niya ito na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.+

  • 1 Samuel 19:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kung tungkol kay Jonatan, na anak ni Saul, siya ay lubhang nalulugod kay David.+ Kaya sinalita ni Jonatan kay David, na sinasabi: “Si Saul na aking ama ay naghahangad na maipapatay ka. At ngayon ay mag-ingat ka, pakisuyo, sa kinaumagahan, at manatili ka sa lihim at magtago ka.+

  • 1 Samuel 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sa gayon ay muling sumumpa si Jonatan kay David dahil sa pag-ibig niya sa kaniya; sapagkat inibig niya siyang gaya ng pag-ibig niya sa kaniyang sariling kaluluwa.+

  • 1 Samuel 20:41
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 41 Ang tagapaglingkod ay yumaon. Kung tungkol kay David, tumindig siya mula sa malapit sa dakong timog. Pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa lupa+ at yumukod nang tatlong ulit; at hinalikan+ nila ang isa’t isa at tinangisan ang isa’t isa, hanggang sa magawa iyon ni David nang higit.+

  • 1 Samuel 23:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At si Jonatan na anak ni Saul ay tumindig at pumaroon kay David sa Hores, upang mapalakas+ niya ang kamay nito may kinalaman sa Diyos.+

  • Kawikaan 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon,+ at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.+

  • Kawikaan 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 May mga magkakasamang nagsisiraan,+ ngunit may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share