Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 10:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At nangyari nga, nang marinig ni Adoni-zedek na hari ng Jerusalem na nabihag ni Josue ang Ai+ at pagkatapos ay itinalaga ito sa pagkapuksa,+ na kung ano ang ginawa niya sa Jerico+ at sa hari+ nito ay gayon ang ginawa niya sa Ai at sa hari+ nito, at na ang mga tumatahan sa Gibeon ay nakipagpayapaan sa Israel+ at nananatili sa gitna nila,

  • Josue 10:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Noon nga ay nagsalita si Josue kay Jehova nang araw na pabayaan ni Jehova ang mga Amorita sa mga anak ni Israel, at sinabi niya sa paningin ng Israel:

      “Araw,+ huminto ka sa Gibeon,+

      At, buwan, sa mababang kapatagan ng Aijalon.”+

  • Josue 18:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang Gibeon+ at ang Rama at ang Beerot,

  • Josue 21:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At mula sa tribo ni Benjamin, ang Gibeon+ at ang pastulan nito, ang Geba+ at ang pastulan nito,

  • 2 Samuel 20:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sila ay malapit sa malaking bato na nasa Gibeon,+ at pumaroon si Amasa+ upang salubungin sila. Si Joab nga ay nabibigkisan, na nadaramtan ng isang kasuutan; at sa kaniya ay nakabigkis ang isang tabak na nakakabit sa kaniyang balakang, na nasa kaluban nito. At siya ay lumabas, kung kaya nahulog ito.

  • 1 Hari 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Sa Gibeon ay nagpakita+ si Jehova kay Solomon sa isang panaginip+ sa gabi; at ang Diyos ay nagsabi: “Hilingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo.”+

  • 1 Cronica 14:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Kaya ginawa ni David ang gaya ng iniutos ng tunay na Diyos sa kaniya,+ at pinabagsak nila ang kampo ng mga Filisteo mula sa Gibeon+ hanggang sa Gezer.+

  • 2 Cronica 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Nang magkagayon, si Solomon at ang buong kongregasyon na kasama niya ay pumaroon sa mataas na dakong nasa Gibeon;+ sapagkat naroon ang tolda ng kapisanan+ ng tunay na Diyos, na ginawa ni Moises na lingkod+ ni Jehova sa ilang.

  • Isaias 28:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sapagkat si Jehova ay titindig na gaya noon sa Bundok Perazim,+ siya ay maliligalig na gaya noon sa mababang kapatagan malapit sa Gibeon,+ upang maisagawa niya ang kaniyang gawa—ang kaniyang gawa ay kakaiba—at upang magawa niya ang kaniyang gawain—ang kaniyang gawain ay pambihira.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share