30 At hindi kami pinahintulutan ni Sihon na hari ng Hesbon na dumaan sa kaniya, sapagkat hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmatigas+ ang kaniyang espiritu at maging matigas ang kaniyang puso, upang ibigay siya sa iyong kamay gaya ng sa araw na ito.+
15 At ang hari ay hindi nakinig sa bayan; sapagkat ang kinahantungan ay mula sa tunay na Diyos+ upang matupad ni Jehova ang kaniyang salita+ na sinalita niya sa pamamagitan ni Ahias+ na Shilonita+ kay Jeroboam na anak ni Nebat.+
7 Ngunit mula nga sa Diyos+ ang pagbagsak+ ni Ahazias dahil sa kaniyang pagparoon kay Jehoram; at nang dumating siya, lumabas+ siyang kasama ni Jehoram kay Jehu+ na apo ni Nimsi,+ na pinahiran+ ni Jehova upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.+
6 Kapag ang tambuli ay hinihipan sa isang lunsod, hindi ba nanginginig din ang bayan?+ Kapag may kapahamakang sumapit sa lunsod, hindi ba si Jehova rin ang siyang kumilos?