Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “‘Huwag kayong magnanakaw,+ at huwag kayong manlilinlang,+ at huwag makikitungo ang sinuman sa inyo nang may kabulaanan sa kaniyang kasamahan.+

  • Deuteronomio 18:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “ ‘Gayunman, ang propeta na mangangahas na magsalita sa aking pangalan ng salita na hindi ko iniutos sa kaniya na salitain+ o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos,+ ang propetang iyon ay dapat mamatay.+

  • Jeremias 29:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 “Magsugo ka sa buong bayang itinapon,+ na sinasabi, ‘Ito ang sinabi ni Jehova may kinalaman kay Semaias ng Nehelam: “Sa dahilang si Semaias ay nanghula sa inyo, gayunma’y hindi ko siya isinugo, at tinangka niyang pagtiwalain kayo sa kabulaanan,+

  • Ezekiel 13:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ang aking kamay ay naging laban sa mga propeta na nagpapangitain ng kabulaanan at nanghuhula ng kasinungalingan.+ Sa matalik+ na kapisanan ng aking bayan ay hindi na sila mananatili pa, at sa pagkakarehistro ng sambahayan ng Israel ay hindi sila masusulat,+ at sa lupa ng Israel ay hindi sila makaparoroon;+ at inyo ngang makikilala na ako ang Soberanong Panginoong Jehova,+

  • Mateo 7:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “Maging mapagbantay kayo sa mga bulaang propeta+ na lumalapit sa inyo na nakadamit-tupa,+ ngunit sa loob ay mga dayukdok na lobo sila.+

  • 2 Pedro 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Gayunman, nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa gitna ng mga tao, kung paanong magkakaroon din ng mga bulaang guro sa gitna ninyo.+ Ang mga ito ay tahimik na magpapasok ng mapanirang mga sekta at magtatatwa maging sa may-ari na bumili sa kanila,+ na nagdadala ng mabilis na pagkapuksa sa kanilang sarili.

  • 1 Juan 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat kinasihang kapahayagan,+ kundi subukin ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung ang mga ito ay nagmumula sa Diyos,+ sapagkat maraming bulaang propeta ang humayo sa sanlibutan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share