31 At nangyari, na para bang napakaliit+ na bagay lamang sa kaniya ang lumakad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat, kinuha niya ngayon bilang asawa+ si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio+ at nagsimulang yumaon at maglingkod kay Baal+ at yumukod sa kaniya.
4 At nangyari, nang lipulin ni Jezebel+ ang mga propeta+ ni Jehova, si Obadias ay kumuha ng isang daang propeta at itinago niya sila nang lima-limampu sa isang yungib, at pinaglaanan niya sila ng tinapay at tubig.)+
2 Kaya si Jezebel ay nagsugo ng mensahero kay Elias, na sinasabi: “Gayon nawa ang gawin ng mga diyos,+ at gayon nawa ang idagdag nila roon,+ kung bukas sa ganitong oras ay hindi ko gawing tulad ng kaluluwa ng bawat isa sa kanila ang iyong kaluluwa!”
25 Maliban sa kaniya ay walang sinumang naging tulad ni Ahab,+ na ipinagbili ang kaniyang sarili upang gawin ang masama sa paningin ni Jehova, na ibinuyo+ ni Jezebel+ na kaniyang asawa.
34 Pagkatapos ay pumasok siya at kumain at uminom at nagsabi: “Pakisuyo, asikasuhin ninyo ang isinumpang+ ito at ilibing ninyo siya, sapagkat siya ay anak ng isang hari.”+