20 “ ‘Gayunman, ang propeta na mangangahas na magsalita sa aking pangalan ng salita na hindi ko iniutos sa kaniya na salitain+ o magsasalita sa pangalan ng ibang mga diyos,+ ang propetang iyon ay dapat mamatay.+
16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Huwag ninyong pakinggan ang mga salita ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+ Ginagawa nila kayong walang kabuluhan.+ Ang pangitain ng kanilang sariling puso ang sinasalita nila+—hindi mula sa bibig ni Jehova.+
17 Sinasabi nila nang paulit-ulit doon sa mga walang-galang sa akin, ‘Sinalita ni Jehova: “Kapayapaan ang sasainyo.” ’+ At sa bawat isa na lumalakad ayon sa pagkasutil ng kaniyang puso+ ay sinabi nila, ‘Walang kapahamakang darating sa inyo.’+
6 “Nagpangitain sila ng bagay na di-totoo at ng kasinungalingang panghuhula,+ yaong mga nagsasabi, ‘Ang sabi ni Jehova ay,’ gayong hindi naman sila isinugo ni Jehova, at hinintay nila na may salitang magkatotoo.+