6 Magpakalakas-loob kayo at magpakatibay.+ Huwag kayong matakot o magitla sa harap nila,+ sapagkat si Jehova na iyong Diyos ang hahayong kasama mo. Hindi ka niya pababayaan ni iiwan ka man nang lubusan.”+
5 Walang sinuman ang makatatayong matatag sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.+ Kung paanong ako ay suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.+ Hindi kita pababayaan ni iiwan man kita nang lubusan.+
10 Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos.+ Patitibayin kita.+ Talagang tutulungan kita.+ Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay+ ng katuwiran.’+
5 Maging malaya nawa mula sa pag-ibig sa salapi+ ang inyong paraan ng pamumuhay, habang kayo ay kontento+ na sa mga bagay sa kasalukuyan.+ Sapagkat kaniyang sinabi: “Hindi kita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraan ay pababayaan.”+