31 “‘Huwag kayong babaling sa mga espiritista,+ at huwag kayong sasangguni sa mga manghuhula ng mga pangyayari,+ anupat magiging marumi sa pamamagitan nila. Ako ay si Jehova na inyong Diyos.
27 “‘At kung tungkol sa isang lalaki o isang babae na may espiritung sumasanib o espiritu ng panghuhula,+ sila ay papatayin nang walang pagsala.+ Pupukulin nila sila ng mga bato hanggang sa mamatay. Ang kanilang sariling dugo ay mapapataw sa kanila.’”+
3 At si Samuel nga ay namatay na, at hinagulhulan siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama na kaniyang sariling lunsod.+ Kung tungkol kay Saul, inalis niya mula sa lupain ang mga espiritista at mga manghuhula ng mga pangyayari.+