Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 24:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nang kaniyang mga araw si Nabucodonosor+ na hari ng Babilonya ay umahon, kung kaya si Jehoiakim ay naging lingkod+ niya sa loob ng tatlong taon. Gayunman, tumalikod siya at naghimagsik laban sa kaniya.

  • Jeremias 27:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘ “ ‘At mangyayari nga na ang bansa at ang kaharian na hindi maglilingkod sa kaniya, kay Nabucodonosor nga na hari ng Babilonya; at yaong hindi maglalagay ng leeg nito sa ilalim ng pamatok ng hari ng Babilonya, sa pamamagitan ng tabak+ at ng taggutom+ at ng salot+ ay ibabaling ko ang aking pansin sa bansang iyon,’ ang sabi ni Jehova, ‘hanggang sa malipol ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay.’+

  • Jeremias 32:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Narito, ibibigay ko ang lunsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at sa kamay ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya, at bibihagin niya ito.+

  • Jeremias 43:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Narito, magsusugo ako at kukunin ko si Nabucodorosor na hari ng Babilonya,+ na aking lingkod,+ at ilalagay ko ang kaniyang trono sa ibabaw mismo ng mga batong ito na aking itinago, at tiyak na ilaladlad niya ang kaniyang maringal na tolda sa ibabaw ng mga iyon.

  • Ezekiel 26:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Sapagkat ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito, dadalhin ko laban sa Tiro si Nabucodorosor na hari ng Babilonya mula sa hilaga,+ isang hari ng mga hari,+ na may mga kabayo+ at mga karong pandigma+ at mga kabalyero at isang kongregasyon,+ isa ngang malaking bayan.

  • Daniel 4:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Si Nabucodonosor na hari, sa lahat ng mga bayan, mga liping pambansa at mga wika na nananahanan sa buong lupa:+ Sumagana nawa ang inyong kapayapaan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share