Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang bayan ay naging gaya ng mga taong may masamang bagay na inirereklamo sa pandinig ni Jehova.+ Nang marinig iyon ni Jehova ay nag-init ang kaniyang galit, at isang apoy ni Jehova ang lumagablab laban sa kanila at tinupok ang ilan na nasa dulo ng kampo.+

  • Bilang 16:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 At lumabas ang apoy mula kay Jehova+ at tinupok ang dalawang daan at limampung lalaking naghahandog ng insenso.+

  • Awit 106:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At may apoy na nagningas sa gitna ng kanilang kapulungan;+

      Nilamon ng liyab ang mga balakyot.+

  • Lucas 9:54
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 54 Nang makita ito ng mga alagad na sina Santiago at Juan+ ay sinabi nila: “Panginoon, ibig mo bang sabihin namin sa apoy+ na bumaba mula sa langit at lipulin sila?”

  • Judas 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Gayundin ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila,+ pagkatapos na sila sa katulad na paraan gaya ng mga nauna ay makiapid nang labis-labis at sumunod sa laman sa di-likas na paggamit,+ ay nakalagay sa harap natin bilang isang babalang halimbawa+ sa pagdanas ng parusang hatol na walang-hanggang apoy.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share