15 At ang hari ay hindi nakinig sa bayan,+ sapagkat ang kinahantungan ay dahil sa utos ni Jehova,+ upang matupad nga niya ang kaniyang salita+ na sinalita ni Jehova sa pamamagitan ni Ahias+ na Shilonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
7 Ngunit mula nga sa Diyos+ ang pagbagsak+ ni Ahazias dahil sa kaniyang pagparoon kay Jehoram; at nang dumating siya, lumabas+ siyang kasama ni Jehoram kay Jehu+ na apo ni Nimsi,+ na pinahiran+ ni Jehova upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.+