Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 18:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Nagtiwala siya kay Jehova na Diyos ng Israel;+ at pagkatapos niya ay walang sinumang naging tulad niya sa lahat ng hari ng Juda,+ maging yaong mga nauna sa kaniya.+

  • 1 Cronica 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At tinulungan sila laban sa mga iyon, anupat ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay naibigay sa kanilang kamay, sapagkat sa Diyos sila humingi ng saklolo+ sa digmaan, at hinayaan niyang siya ay mapamanhikan sa kanilang ikabubuti sapagkat nagtiwala sila sa kaniya.+

  • 2 Cronica 16:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Hindi ba ang mga Etiope+ at ang mga taga-Libya+ ay isang napakalaking hukbong militar sa karamihan, sa mga karo at sa mga mangangabayo;+ at dahil sa pagsandig mo kay Jehova ay hindi ba niya sila ibinigay sa iyong kamay?+

  • Awit 22:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sa iyo sila dumaing,+ at nakaligtas sila;+

      Sa iyo sila nagtiwala, at hindi sila napahiya.+

  • Awit 37:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad,+

      At manalig ka sa kaniya,+ at siya mismo ang kikilos.+

  • Awit 146:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Maligaya siya na ang kaniyang pinakasaklolo ay ang Diyos ni Jacob,+

      Na ang kaniyang pag-asa ay kay Jehova na kaniyang Diyos,+

  • Nahum 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Si Jehova ay mabuti,+ isang moog+ sa araw ng kabagabagan.+

      At nakikilala niya yaong mga nanganganlong sa kaniya.+

  • 1 Timoteo 4:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat sa layuning ito ay nagpapagal tayo at nagpupunyagi,+ sapagkat inilagak natin ang ating pag-asa+ sa isang Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas+ ng lahat ng uri ng mga tao,+ lalo na ng mga tapat.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share