Nahum
1 Ang kapahayagan laban sa Nineve:+ Ang aklat ng pangitain ni Nahum na Elkosita:
2 Si Jehova ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon+ at naghihiganti; si Jehova ay naghihiganti+ at handang magngalit.+ Si Jehova ay naghihiganti laban sa kaniyang mga kalaban,+ at napopoot siya sa kaniyang mga kaaway.+
3 Si Jehova ay mabagal sa pagkagalit+ at dakila sa kapangyarihan,+ at sa anumang paraan ay hindi magpipigil si Jehova sa pagpaparusa.+
Nasa mapaminsalang hangin at nasa bagyo ang kaniyang daan, at ang kaulapan ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.+
4 Sinasaway niya ang dagat,+ at tinutuyo niya iyon; at ang lahat ng mga ilog ay pinangyayari niyang matuyo.+
Ang Basan at ang Carmel ay nalanta,+ at ang mismong bulaklak ng Lebanon ay nalanta.
5 Ang mga bundok ay umuga dahil sa kaniya, at ang mismong mga burol ay natunaw.+
At ang lupa ay mayayanig dahil sa kaniyang mukha; ang mabungang lupain din, at ang lahat ng nananahanan doon.+
6 Sa harap ng kaniyang pagtuligsa ay sino ang makatatayo?+ At sino ang makatitindig laban sa init ng kaniyang galit?+
Ang kaniyang pagngangalit ay ibubuhos na parang apoy,+ at ang mismong mga bato ay ibabagsak dahil sa kaniya.
7 Si Jehova ay mabuti,+ isang moog+ sa araw ng kabagabagan.+
At nakikilala niya yaong mga nanganganlong sa kaniya.+
8 At sa pamamagitan ng dumaraang baha ay magsasagawa siya ng ganap na paglipol ng dako nito,+ at tutugisin ng kadiliman ang kaniya mismong mga kaaway.+
9 Ano ang maiisip ninyong gawin laban kay Jehova?+ Siya ay nagpapangyari ng ganap na paglipol.
Ang kabagabagan ay hindi babangon sa ikalawang pagkakataon.+
10 Bagaman pinagsasala-salabid silang gaya ng mga tinik+ at lasing sila sa kanilang serbesang trigo,+ tiyak na lalamunin silang gaya ng pinaggapasan na lubusang tuyo.+
11 Mula sa iyo ay may isang lalabas na nag-iisip ng masama laban kay Jehova,+ na nagpapanukala ng bagay na di-kapaki-pakinabang.+
12 Ito ang sinabi ni Jehova: “Bagaman sila ay may ganap na anyo at marami ang nasa gayong kalagayan, maging sa gayong kalagayan ay ibubuwal sila;+ at ang isa ay daraan. At tiyak na pipighatiin kita, anupat hindi na kita pipighatiin pa.+ 13 At ngayon ay babaliin ko ang kaniyang pambuhat na pingga mula sa iyo,+ at ang mga panali sa iyo ay papatirin ko.+ 14 At may kinalaman sa iyo ay nag-utos si Jehova, ‘Wala nang anumang may pangalan mo ang ihahasik.+ Mula sa bahay ng iyong mga diyos ay lilipulin ko ang inukit na imahen at ang binubong estatuwa.+ Gagawa ako ng isang dakong libingan para sa iyo,+ sapagkat ikaw ay naging walang halaga.’
15 “Narito! Nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyaong nagdadala ng mabuting balita, niyaong naghahayag ng kapayapaan.+ O Juda, ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan.+ Tuparin mo ang iyong mga panata;+ sapagkat hindi na muling daraan sa iyo ang walang-kabuluhang tao.+ Lubus-lubusan siyang lilipulin.”+