23 At kinuha ni Aaron si Elisheba, na anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Nason,+ bilang kaniyang asawa. Nang maglaon ay ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abihu, si Eleazar at si Itamar.+
32 At ang pinuno ng mga pinuno ng mga Levita ay si Eleazar+ na anak ni Aaron na saserdote, na nangangasiwa sa mga nag-aasikaso ng katungkulan sa dakong banal.
6 “At ang mga anak ni Israel ay lumisan mula sa Beerot Bene-jaakan+ patungong Mosera. Doon namatay si Aaron, at inilibing siya roon;+ at si Eleazar na kaniyang anak ay nagsimulang maglingkod bilang saserdote na kahalili niya.+
14At ito ang kinuha ng mga anak ni Israel bilang minanang pag-aari sa lupain ng Canaan,+ na pinangyari ni Eleazar na saserdote at ni Josue na anak ni Nun at ng mga ulo ng mga ama ng mga tribo ng mga anak ni Israel na manahin+ nila.