Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 25:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Huwag kang kukuha ng interes at labis na patubo mula sa kaniya,+ kundi matakot ka sa iyong Diyos;+ at ang iyong kapatid ay mananatiling buháy na kasama mo.

  • Nehemias 5:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kung tungkol sa mga dating gobernador na nauna sa akin, pinabigatan nila ang bayan, at patuloy silang kumuha ng apatnapung siklong pilak mula sa kanila para sa tinapay at alak araw-araw. Gayundin, ang kanilang mga tagapaglingkod ay nanaig sa bayan.+ Kung tungkol sa akin, hindi ko ginawa ang gayon+ dahil sa takot sa Diyos.+

  • Job 28:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At sinabi niya sa tao,

      ‘Narito! Ang pagkatakot kay Jehova—iyon ang karunungan,+

      At ang paglayo sa kasamaan ay pagkaunawa.’ ”+

  • Kawikaan 8:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama.+ Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri+ at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig+ ay kinapopootan ko.

  • Eclesiastes 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bagaman ang isang makasalanan ay gumagawa ng masama+ nang isang daang ulit at nagpapatuloy nang mahabang panahon hangga’t kinalulugdan niya, gayunma’y batid ko rin na magiging mabuti ang kalalabasan para sa mga natatakot sa tunay na Diyos,+ sapagkat kinatatakutan nila siya.+

  • Malakias 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “ ‘Ang anak, sa ganang kaniya, ay nagpaparangal sa ama;+ at ang lingkod, sa kaniyang dakilang panginoon.+ Kaya kung ako ay ama,+ nasaan ang karangalang ukol sa akin?+ At kung ako ay Dakilang Panginoon, nasaan ang pagkatakot+ sa akin?’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo sa inyo, O mga saserdote na humahamak sa aking pangalan.+

      “ ‘At sinabi ninyo: “Sa anong paraan namin hinamak ang iyong pangalan?” ’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share