Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Job 31:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kung itinuturing ko ang ginto bilang aking pag-asa,

      O sa ginto ay sinasabi ko, ‘Ikaw ang aking tiwala!’+

  • Awit 49:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Yaong mga nagtitiwala sa kanilang kabuhayan,+

      At laging naghahambog tungkol sa kasaganaan ng kanilang kayamanan,+

  • Awit 49:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sapagkat sa kaniyang kamatayan ay wala siyang madadalang anuman;+

      Ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang kasama niya.+

  • Jeremias 9:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ito ang sinabi ni Jehova: “Huwag ipagyabang ng taong marunong ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang karunungan,+ at huwag ipagyabang ng makapangyarihang lalaki ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kalakasan.+ Huwag ipagyabang ng taong mayaman ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang kayamanan.”+

  • Mateo 23:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sinumang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa,+ at sinumang nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.+

  • 1 Timoteo 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman+ sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip,+ at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan,+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share