15 Gaya ng paglabas ng isa mula sa tiyan ng kaniyang ina, hubad siyang aalis na muli,+ gaya ng kaniyang pagdating; at wala siyang anumang makukuha+ para sa kaniyang pagpapagal, na madadala niya sa kaniyang kamay.
20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Ikaw na di-makatuwiran, sa gabing ito ay hihingin nila sa iyo ang iyong kaluluwa.+ Kung gayon, sino kaya ang magmamay-ari ng mga bagay na inimbak mo?’+
17 Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman+ sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip,+ at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan,+ kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan;+