25 Nang panahong iyon ay sinabi ni Jesus bilang tugon: “Hayagan kitang pinupuri, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino at isiniwalat ang mga ito sa mga sanggol.+
20 Tama nga! Dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya+ ay pinutol sila, ngunit ikaw ay nakatayo dahil sa pananampalataya.+ Tigilan mo ang pagkakaroon ng matatayog na kaisipan,+ kundi matakot ka.+
16 Maging palaisip kayo sa iba na gaya ng sa inyong sarili;+ huwag magsaisip ng matatayog na bagay,+ kundi makiayon kayo sa mabababang bagay.+ Huwag kayong magmarunong sa inyong sariling paningin.+
26 Sapagkat nakikita ninyo ang kaniyang pagtawag sa inyo, mga kapatid, na hindi marami na marunong+ ayon sa laman ang tinawag,+ hindi marami ang makapangyarihan,+ hindi marami ang ipinanganak na maharlika;