-
Mateo 13:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Sapagkat ang puso ng bayang ito ay naging manhid, at sa pamamagitan ng kanilang mga tainga ay narinig nila nang walang pagtugon, at ipinikit nila ang kanilang mga mata; upang hindi nila kailanman makita ng kanilang mga mata at marinig ng kanilang mga tainga at makuha ng kanilang mga puso ang diwa nito at manumbalik, at mapagaling ko sila.’+
-
-
Lucas 10:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 Nang mismong oras na iyon ay nag-umapaw siya sa kagalakan+ sa banal na espiritu at sinabi: “Hayagan kitang pinupuri, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat maingat mong ikinubli ang mga bagay na ito mula sa marurunong+ at matatalino, at isiniwalat ang mga ito sa mga sanggol. Oo, O Ama, sapagkat ang paggawa ng gayon ang siyang paraan na sinang-ayunan mo.
-